Miyerkules, Nobyembre 23, 2016

MGA PAGKAING PATOK SA MASA


Mga Pagkaing Patok Sa Masa Sa Pinas 

Image result for pinoy food background

Ngayong Taon Maraming ng mga Patok Na Pagkain na Pasado sa Panglasa sa mga Pinoy  na Galing Satin kagaya ng :


  • Adobo -  ay itinuturing na pambansang ulam sa Pilipinas. Ito ay pinakuluang karne ng baboy o manok na niluto sa toyo, bawang, suka, buong paminta at dahon ng laurel. Pinakukuluan ang karne ng mahinang apoy hangga't mabawasan ang tubig at lumambot ang karne. Ang iba’t ibang gulay at shellfish ay pwede ring lutuin sa ganitong paraan.
Image result for Adobo\

  • Kaldereta - Ang kaldereta ay pangkaraniwang niluluto na may karne ng kambing. Sa mga panahong ito, pwede nang gamitin ang kahit anong karne. Pinakukuluan ang karne hanggang ito'y lumambot at dahan-dahang lulutuin na may malapot na sarsa na gawa sa tinadtad na sibuyas, bawang, kamatis at durog na paminta. Maaaring ibahin kung gaano kaanghang ang lutuin. Maaari ring magdagdag ng hiniwang patatas at karots.
Image result for Kaldereta

  • Kare-Kare - Ang kare-kare ay isang lutuing paborito ng mga Pilipino. Gawa ito sa karne, bituka o buntot ng baka at samu’t saring gulay. Pinakukuluan ang karne hanggang lumambot at saka hinahaluan ng dinurog na mani at malagkit na kanin na pinong pino. Ito ang nagpapalapot sa sarsa at nagbibigay ng kakaibang lasa sa ulam. Sa mga panahong ito, peanut butter na ang ginagamit sa halip na dinurog na mani at kanin. Ang kaalatan ng ulam ay nanggagaling sa bagoong alamang na kasama nito.
Image result for Kare-Kare


Yan ang mga patok na kadalasang niluluto ng mga pinoy dahil ang mga pagkain na yan ay Sariling Atin at ang mga pagkain na yan ay na mana natin sa ating mga ninuno,  


At Hindi naman magpapahuli ang mga panghimagas na patok sa ating panlasa katulad ng :

  • Kalamay - May mga ilang bayan din ang kilala sa pag-gawa ng kalamay, tulad ng Mindoro, Iloilo , ang kalamay hati ng Bohol at sundot kulangot ng Baguio. Ano nga ba ang pagkakaiba sa mga kalamay na ito, ang marangyang sisidlan at presentasyon, mga pangalang madaling tumatak sa isipan at mga sangkap na hindi mo sukat maisip na maa-aring gamitin at humihila sa iyong tikman ito. Halimbawa na ang paglalagay ng peanut butter, ang unang iisipin mo ay, hindi  kaya magkalapugan ang iyong tiyan at dali-dali mong hahanapin ang silid pahingahan (Rest Room yan ha)? Kahit papaano ay susubukan mo pa rin. Ano nga ba ang kalamay? Sa pangkalahatang kasagutan, ito ay isang kakanin na gawa sa pinakunat na arinang malagkit, asukal at niyog. Kaya naging espesyal ang kakaning ito dahil pawis ang puhunan sa pag-gawa nito, wala pa riyan ang kulani sa kili-kili. Isang pakikibuno ng paghalo sa mahinang apoy, upang makamit ang kunat na nais. Kunat ang paga-aantas sa kalamay, primera klase ang pinakamakunat, Dahil sa matagal na proseso ng pagluluto Hindi magandang negosyo ang kalamay sa Ibang bansa tulad ng Amerika, kung saan per-ora ang pasuweldo. Siguradong malulugi ka tsong. Mahal ang magiging presyo, hindi kayang bilhin ng mga makukunat.

Image result for kalamay


  • Sumang Moron -  Isang napakasap na kakanin at napakadaling gawin. Maa-aring maipagmalaki natin sa larangan ng pagluluto, dahil sa kaiba-iba niyang uri. Ang hindi lang natin alam, bukas makalawa ay nasa tindahan na ito ng mga Vietnam at Lao. Sila ang magpapasikat at papangalanan nila nang Bhở Hoàng.
Image result for suman moron

At Hindi magpapahuli ang pagkaing ating naka gisnan na "Ice Cream" O kung sa tagalog ay Sorbetes

Image result for sorbetes

  • Sorbetes -  Ang sorbetes ( o "ice cream") ay ang lokal na bersyon nga "ice cream" na kadalasang itinitinda sa isang de-tulak na Karitela.Noong 1920 unang natikman ng mga pinoy ang matamis at malamig na pagkaing ito. Kadalasan, ang nagtitinda nga sorbetes ang siyang nag titimpla nito. Nag-aalaga pa sila ng kanilang baka upang masiguradong ang gatas na gagamitin nila ay sariwa at malinis.

  

Tapos na tayo sa Pagkaing galing sa pinas Ngayon naman dumako naman tayo sa mga pagkain sa ibang Bansa na Sumikat Sa Pinas o pumasok sa panlasang Pinoy kagaya na lang ng mga ito:



  • Spaghetti - Hindi talaga mawalala sa pinoy ang pagkaing  spaghetti kapag may okasyon katulad na lang nga BIRTHDAY,CHRISTMAS,NEW YEAR at iba pa , nakasanayan na nating kainin ang spaghetti kahit may okasyon man o wala ,syempre may bersyon tayong mga pinoy sa spaghetti Basta't may konting sugar , hotdog at banana ketchup sa ating spaghetti okey na .


Image result for spaghetti filipino style with style

  • Pizza - ito ay isang Flatbread na may tomato sauce,cheese at ham at iniluluto ito sa oven. kagaya ng spaghetti kinakain rin ito sa  okasyon man o wala , naging paborito ito sa mga pinoy dahil sa patok at  masarap na lasa nito may iba ibang klase ng pizza kagaya ng Hawaiian,Peperoni at iba pa.

Image result for pizza
  •  Fries - Bukod sa madaling gawin/lutuin ang "fries"masarap at masustansya rin ito dahil ang "fries" ay gawa sa patatas ,dagdagan mo lang ng konting asin at isawsaw mo lang ito sa ketchup masasabi mo talagang masarap siya at patok pa ito sa panlasa ng mga pinoy.
Image result for Fries

  Sa bahaging ito , ito naman ang mga panghimagas o "desserts" na sumikat dito sa pinas :
  • Cake - Nakasanayan na talaga ng mga pinoy nakumain ng "cake" pag may okasyon, di talaga ito mawawala sa mga nakahain sa mesa pag may okasyon
Image result for cake
  • Leche Flan - Isa sa mga napakatamis na pagkain na patok sa pinoy ang "leche flan" ang hugis nito ay kagaya lang ng "cake pero mas maliit lang ito kumpara sa cake madali rin itong lutuin kailangan mo lang g asukal,itlog,condensed milk at evap. milk .

Image result for leche flan heart
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento